pangalan ng sumulat ng akda sa pahayagan, magasin, at iba pang lathalain
leger line (lé•dzer layn)
:
maikling linyang idinadagdag kung kailangan sa itaas o ibabâ ng staff upang itaas ang tono.
water line (wá•ter layn)
:
guhit na nakapalibot sa gilid ng sasakyang pantubig at tinatamaan ng tubig na nagsisilbing pananda sa bigat ng kargamento
play date (pley deyt)
:
petsa ng pagpapalabas ng isang dula, pelikula, at mga kauring panoorin.
date palm (deyt palm)
:
mataas na palma (Phoenix dactylife-ra) na 30 m ang taas, payát ang bunged, may mga dahong paakyat sa pang-itaas na bahagi ng bunged, lumalabas ang mga maliit at kulay dilaw na bulaklak sa píling ng mga dahon, may bunga na silindriko at malinamnam ang lamán, katutubò sa Hilagang Africa at itinatanim sa Filipinas bílang halámang ornamental
hard line (hárd layn)
:
hindi mababagong tuntunin.
front line (frónt layn)
:
unang hanay
International Phonetic Alphabet (ín•ter•ná•syo•nál fo•né•tik ál•fa•bét)
:
set ng mga simbolong ponetiko na inilaan sa internasyonal na gámit, binuo noong ika-19 siglo upang magkaroon ng eksakto at nauunawaang tumbásan sa tunog at simbolo sa isang wika
digital subscriber line (dí•dyi•tál subs•kráy•ber layn)
:
tinatawag ding digital subscriber loop; teknolohiyang nagkakaloob ng transmisyon ng datos na dihital sa pamamagitan ng lokal na network ng telepono
International Monetary Fund (ín•ter•ná•syo•nál mo•ne•tá•ri fand)
:
organisasyong internas-yonal na nagtataguyod ng matatag na pananalapi ng lahat ng bansa at nangangasiwa sa tinipong pondo na ipinahihiram sa mga kasaping bansa upang mapunan ang kakula-ngan sa kanilang mga bayarin
International Telecommunication Union (ín•ter•ná•syo•nál te•le•ko• myu•ni•kéy•syon yú•nyon)
:
samahán na may layuning magtagu-yod ng pagtutulungang pandaigdig sa paggamit at pagpapaunlad ng telekomunikasyon
International Labor Organization (ín•ter•ná•syo•nál léy•bor ór•ga•ni•séy• syon)
:
ahensiya ng United Nations na may tungkuling paunlarin ang kondisyon ng pagtatrabaho ng mga manggagawà sa buong mundo
International Criminal Police Commission (in•tér•na•syo•nál krí•mi•nál po•lís ko•mís•yon)
:
opisyal at internasyonal na ahensiya na nangangasiwa sa gawaing pampulis ng mga kasaping bansa
international standard book number (ín•ter•ná•syo•nál is•tán•dard buk nám•ber)
:
ang sampung digit na bílang, itinatakda sa bawat aklat bago ang paglalathala, at batay ang mga numero sa wika, tagalathala, at pook na pinagmulan ng aklat
International Rice Research Institute (ín•ter•na•syo•nál rays rí•serts íns• ti•tyút)